Hail!
It's raining outside and we were wondering whether it was snowing or just raining. It looked like it was raining, then I heard a familiar sound... reminiscing nung nasa Pilipinas pa ako... gustong-gusto ko 'pag umuulan tapos naririnig mo yung bagsak ng ulan sa bubong... peaceful feeling... pati nga bagyo nun, natutuwa ako basta wag lang magbrown-out, nung nasa Laguna pa ako nakahiga lang ako nanonood ng movies sa cable at tamad na tamad akong maligo kasi maginaw.. minsan pati pagkain di ko na magawa kasi nga ang sarap mahiga lang.. tanda ko pa minsan sobrang lakas ng bagyo sa Laguna tapos nawalan ng kuryente.. swerte ko lang nakikinig ako sa maliit na radyo na hindi ko nga matandaan kung sinong nagbigay sa akin.. hay! dito di ko na magawa yun, nag-i-stay lang ako sa bahay kung walang mga multo.. err, walang mga tao... pinapagod ko na lang ang katawan ko sa paglalakad para pag-uwi ko pagod na ako, tulog na lang ako... well, at least wala pa din responsibility kaso nga lang, hirap talaga makisama sa kamag-anak... buti pa nung nakikitira ako sa mga sister ko, para akong prinsesa! ngayon, isa na akong prinsesang gusgusin, kahit pa dollar ang sinusweldo, hehehe :-) wala bang prince na mag-aalis sa 'kin from the Tower of paghihinagpis?
Time flies, 3 years na ako dito.. pano kaya nangyari yun? wala pa rin mashadong nangyayari, except the comfort I am able to give to Mother dear... okay na rin, at least naibigay ang akala mo di mangyayari, if only you saw us when we were still young.... dirt poor.. parang yung napapanood na inaapi ng mga kamag-anak sa TV! Yagit yata ang title nun... whoaaa!!!!!!!
Malapit na ang Mother's Day, sa lahat ng kaibigan kong mother na, Happy Mother's day! At sa mga nag-aaspire maging mothers, try lang ng try until you succeed :-)
<< Home